3 Hindi kayo ang kausap ko kundi ang Diyos na Makapangyarihan,sa kanya ko idudulog itong aking kalagayan.
4 Ngunit kayo'y mga sinungaling,tulad ninyo'y manggagamot, na walang kayang pagalingin.
5 Tumahimik na lamang sana kayo, baka akalain pa ng iba na kayo'y matalino.
6 Pakinggan ninyo ngayon ang aking sasabihin, at ang aking panig ay inyong unawain.
7 Bakit ba kayo'y nagsasalita ng di katotohanan?Makatutulong ba sa Diyos ang inyong kasinungalingan?
8 Kayo ba ang tatayo at siya ay ipaglalaban?Kayo ba ang magtatanggol sa kanyang kalagayan?
9 Kung siyasatin kayo ng Diyos, ano kaya ang makikita,siya ba'y inyong madadayang tulad ng iba?