10 Ngunit ang tao kapag namatay, iyon na ang kanyang katapusan,pagkalagot ng kanyang hininga, saan naman kaya siya pupunta?
11 “Tulad ng ilog na tumigil sa pag-agos,at gaya ng lawa na ang tubig ay naubos.
12 Ngunit ang tao kapag namatay hindi na babangonhanggang ang langit ay maparam.
13 Itago mo na sana ako sa daigdig ng mga patay,hanggang sa ang poot mo'y mapawi nang lubusan,at muli mong maalala ang aking kalagayan.
14 Kung ang tao ay mamatay, siya kaya'y muling mabubuhay?Ngunit para sa akin, paglaya ko sa hirap ay aking hihintayin.
15 Ikaw ay tatawag at ako'y sasagot,sa iyong nilikha, ikaw ay malulugod.
16 Kung magkagayon, bawat hakbang ko'y iyong babantayan,di mo na tatandaan ang aking mga kasalanan.