7 “Kahoy na pinutol ay may pag-asa,muli itong tutubo at magsasanga.
8 Kahit pa ang ugat nito ay matanda na,at mamatay ang puno sa kinatatamnan niya,
9 ngunit ito'y nag-uusbong kapag diniligan, ito'y magsasanga tulad ng batang halaman.
10 Ngunit ang tao kapag namatay, iyon na ang kanyang katapusan,pagkalagot ng kanyang hininga, saan naman kaya siya pupunta?
11 “Tulad ng ilog na tumigil sa pag-agos,at gaya ng lawa na ang tubig ay naubos.
12 Ngunit ang tao kapag namatay hindi na babangonhanggang ang langit ay maparam.
13 Itago mo na sana ako sa daigdig ng mga patay,hanggang sa ang poot mo'y mapawi nang lubusan,at muli mong maalala ang aking kalagayan.