20 Buto't balat na lamang ang natitira sa akin,ang pag-asa kong mabuhay, maliit na at katiting.
21 Mga kaibigan ko, sa akin sana'y mahabag;kamay na ng Diyos ang sa aki'y humahampas.
22 Bakit n'yo ako inuusig tulad ng ginagawa ng Diyos?Di pa ba kayo masaya sa kahirapan kong lubos?
23 “Ang mga salita ko sana'y maisulatat maitala sa isang buong aklat!
24 At maiukit sa bato itong mga sinabi koupang habang panaho'y mabasa ng mga tao.
25 Ngunit alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas,na magtatanggol sa akin pagdating ng wakas.
26 Pagkatapos na maubos itong aking buong balat,makikita ko ang Diyos kahit laman ay maagnas.