23 “Ang mga salita ko sana'y maisulatat maitala sa isang buong aklat!
24 At maiukit sa bato itong mga sinabi koupang habang panaho'y mabasa ng mga tao.
25 Ngunit alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas,na magtatanggol sa akin pagdating ng wakas.
26 Pagkatapos na maubos itong aking buong balat,makikita ko ang Diyos kahit laman ay maagnas.
27 Siya'y aking mamamasdan, at mukhaang makikita;siya'y makikilala nitong aking mga mata.Ang puso ko'y nananabik na masdan ko na siya.
28 “Ako ay patuloy ninyong uusigin,pagkat iniisip ninyong ang sala nga ay sa akin.
29 Kayo sana ay mag-ingat sa talim nitong tabak,na siyang maghahatid ng parusa sa kasalanan,upang inyong malamang may hahatol nga sa wakas.”