8 Hinarangan ng Diyos ang aking daraanan;binalot niya ng dilim ang landas kong lalakaran.
9 Inalis niyang lahat ang aking kayamanan,sinira pa niya ang aking karangalan.
10 Saanman ako bumaling, ako'y kanyang pinapalo,parang punong binunot, pag-asa ko'y natutuyo.
11 Matindi ang galit ng Diyos sa akin;isang kaaway ang sa aki'y kanyang turing.
12 Ang hukbo niya ay tinipon at ako ay kinubkob,ang aking tahanan ay kanilang sinakop.
13 “Ang mga kapatid ko'y pinalayo niya sa akin;mga dating kakilala, hindi na ako pinapansin.
14 Pati mga kamag-anak ko'y nag-alisan; naiwan akong walang kaibigan.