17 “Ilawan ba ng masama'y pinatay nang minsan?Sila ba ay dumanas ng matinding kahirapan,at ang parusa ng Diyos, sa kanila ba'y ipinataw?
18 Itinulad ba sa dayaming nililipad nitong hangino ipang walang laman, tinatangay sa papawirin?
19 “Sinasabi ninyong ang anak ay pinaparusahan dahil sa sala ng kanyang magulang.Parusahan sana ng Diyos ang mismong may kasalanan!
20 Sa gayo'y mararanasan nila ang kahirapang sasapitin;sa parusa ng Makapangyarihang Diyos, sila ang pagdanasin.
21 Kapag ang isang tao'y binawian ng buhay,ano pang pakialam niya sa pamilyang naiwan?
22 Sinong makakapagturo ng dapat gawin ng Diyos,na siyang humahatol sa buong sansinukob?
23 “May taong namamatay sa gitna ng kasaganaan,panatag ang katayuan, maginhawa ang kabuhayan.