24 Katawan niya ay malusog,at malalakas ang tuhod.
25 Mayroon namang namamatay sa kahirapan,ni hindi nakalasap kahit kaunting kaligayahan.
26 Ngunit pareho silang sa alabok nahihimlay,at kapwa inuuod ang kanilang katawan.
27 “Alam ko kung ano ang binabalak ninyong gawinat ang masamang iniisip ninyo laban sa akin.
28 Tiyak na itatanong ninyo kung nasaan ang tahananng taong namuhay sa kasamaan.
29 “Hindi ba ninyo naitatanong sa mga manlalakbay,mga ulat nila'y hindi ba ninyo pinaniniwalaan?
30 Sa panahon ng kahirapan at kasawiang-palad,di ba't ang masama ay laging naliligtas?