3 Ako muna'y inyong pagsalitain,at pagkatapos nito, saka na ninyo laitin.
4 “Di laban sa tao itong aking hinanakit,may sapat akong dahilan, kung bakit hindi makatiis.
5 Tingnan ninyo ang hitsura ko, hindi pa ba ito sapatupang tumahimik na kayo at walang salitang mabigkas?
6 Tuwing iisipin ko itong sinapit ko,ako'y nanginginig at nanlulumo.
7 Bakit kaya ang masama'y hinahayaan pang mabuhay,tumatanda pa at nagtatagumpay?
8 Mayroon silang mga anak at mga apo,naabutan pa nila ang paglaki ng mga ito.
9 Hindi pinipinsala ang kanilang mga tahanan;parusa ng Diyos ay di nila nararanasan.