30 Sa panahon ng kahirapan at kasawiang-palad,di ba't ang masama ay laging naliligtas?
31 Sa kanyang kasamaa'y walang nagpapamukha,walang naniningil sa masama niyang gawa.
32 Kapag siya ay namatay at inihatid na sa hukay,maraming nagbabantay sa kanyang libingan.
33 Napakaraming sa kanya'y maghahatid sa libing,pati lupang hihigan niya, sa kanya ay malambing.
34 Ngunit pang-aaliw ninyo'y walang kabuluhan,pagkat lahat ng sagot ninyo'y pawang kasinungalingan!”