8 Mayroon silang mga anak at mga apo,naabutan pa nila ang paglaki ng mga ito.
9 Hindi pinipinsala ang kanilang mga tahanan;parusa ng Diyos ay di nila nararanasan.
10 Ang pagdami ng kanilang mga hayop ay mabilis,ang inahin nilang baka'y nasa ayos kung magbuntis.
11 Ang kanilang mga anak ay naghahabulan, parang tupang naglalaro at mayroon pang sayawan.
12 Umaawit sa saliw ng tamburin at lira, umiindak, nagsasayaw sa tunog ng mga plauta.
13 Ang buong buhay nila'y puspos ng kasaganaan;at mapayapa ang kanilang pagharap sa kamatayan.
14 “Sinasabi nila sa Diyos, ‘Huwag mo kaming pakialaman.Ayaw naming alamin ang iyong kalooban!