16 Kahit wala pa sa panahon sila'y tinatangay na ng baha,sapagkat ang kanilang pundasyon ay lubos na nagiba.
17 Sinabi nila sa Diyos na sila'y kanyang layuan,at wala naman daw magagawa sa kanila ang Diyos na Makapangyarihan.
18 Sa kabila nito, sila pa rin ay pinagpala;di ko talaga maunawaan ang pag-iisip ng masama.
19 Natutuwa ang matuwid, ang mabuti'y nagagalakkapag nakita nilang ang masama'y napapahamak.
20 Sabi nila, ‘Ang mga kaaway nati'y nalugmok,at ang mga ari-arian nila ay natupok.’
21 “Sumang-ayon ka sa Diyos, makipagkasundo ka sa kanya,ang buhay mo'y gaganda at magiging maginhawa.
22 Makinig ka sa kanyang itinuturo,mga sinasabi niya'y itanim mo sa iyong puso.