5 Hindi! Ito'y dahil sa napakalaki ng iyong kasalanan,at sa mga ginagawa mong mga kasamaan.
6 Mga kapatid mo'y iyong pinaghuhubad,upang sa utang nila sa iyo sila'y makabayad.
7 Ang mga nauuhaw ay hindi mo pinainom;hindi mo pinakain ang mga nagugutom.
8 Lakas mo ang ginagamit kaya lupa'y nakakamkam,at ibinibigay ito sa iyong kinalulugdan.
9 Hindi mo na nga tinulungan ang mga biyuda,inaapi mo pa ang mga ulila.
10 Kaya napapaligiran ka ngayon ng mga bitag,at bigla kang binalot ng mga sindak.
11 Paligid mo'y nagdidilim kaya di ka makakita,maging tubig nitong baha ay natatabunan ka.