2 “Hanggang ngayon ay masama pa itong aking loob,bagama't ako'y nananangis, pinaparusahan pa rin ng Diyos.
3 Kung alam ko lamang kung saan siya matatagpuan,pupuntahan ko siya sa kanyang kinaroroonan.
4 Ihaharap ko sa kanya ang aking kalagayanat ilalahad kong lahat ang aking katuwiran.
5 Gusto kong malaman ang isasagot niya sa akin;nais kong maunawaan ang kanyang sasabihin.
6 Gagamitin kaya sa akin ang lahat niyang kapangyarihan?Hindi! Sa halip, hinaing ko'y kanyang papakinggan.
7 Sapagkat ako'y taong matuwid na haharap sa kanya,kanyang ipahahayag na ako'y walang sala.
8 “Sa dakong silangan, hindi ko siya natagpuan;hindi ko rin siya nakita sa gawing kanluran.