5 Gusto kong malaman ang isasagot niya sa akin;nais kong maunawaan ang kanyang sasabihin.
6 Gagamitin kaya sa akin ang lahat niyang kapangyarihan?Hindi! Sa halip, hinaing ko'y kanyang papakinggan.
7 Sapagkat ako'y taong matuwid na haharap sa kanya,kanyang ipahahayag na ako'y walang sala.
8 “Sa dakong silangan, hindi ko siya natagpuan;hindi ko rin siya nakita sa gawing kanluran.
9 Di ko rin siya nakita sa dakong hilaga,at sa bandang timog, ni bakas ay wala.
10 Ngunit alam ng Diyos ang aking bawat hakbang;kapag sinubok niya, lalabas ang kadalisayan.
11 Pagkat landas niya'y aking nilakaran,hindi ako lumihis sa ibang daanan.