9 Di ko rin siya nakita sa dakong hilaga,at sa bandang timog, ni bakas ay wala.
10 Ngunit alam ng Diyos ang aking bawat hakbang;kapag sinubok niya, lalabas ang kadalisayan.
11 Pagkat landas niya'y aking nilakaran,hindi ako lumihis sa ibang daanan.
12 Ako'y hindi lumalabag sa kanyang kautusan,at ang kanyang mga salita ay aking iniingatan.
13 “Hindi siya nagbabago at di kayang salungatin,walang makakapigil sa nais niyang gawin.
14 Isasakatuparan niya ang plano niya sa akin,ang marami niyang balak ay kanyang gagawin.
15 Kaya ako'y natatakot na sa kanya'y humarap;isipin ko lamang ito, ako ay nasisindak.