10 Hubad na pinaglalakad ang mga mahirap,labis ang gutom habang sila'y pinapagapas.
11 Sila ang nagkakatas ng ubas at olibo,ngunit di man lamang makatikim ng alak at langis nito.
12 Mga naghihingalo at mga sugatan, sa loob ng lunsod ay nagdadaingan,ngunit di pa rin pansin ng Diyos ang kanilang panawagan.
13 “May mga taong nagtatakwil sa liwanag;di nila ito maunawaan, patnubay nito'y ayaw sundan.
14 Bumabangon ang mamamatay-tao sa madaling araw,at ang kawawang dukha'y kanyang pinapaslang.Pagsapit naman ng gabi, siya ay nagnanakaw.
15 Ang nakikiapid ay naghihintay na dumilim,nagtatakip ng mukha upang walang makapansin.
16 Kung gabi naman sumasalakay ang mga magnanakaw;ayaw nila sa liwanag kaya't nagtatago pagsikat ng araw.