17 Liwanag ng araw ay kanilang kinatatakutan,ngunit di sila nasisindak sa matinding kadiliman.”
18 Sinabi ni Zofar,“Ang masamang tao'y tinatangay ng baha,sinumpa ng Diyos ang kanilang lupa;sa ubasan nila'y ni walang mangahas magsaka.
19 Kung paanong ang yelo ay natutunaw sa tag-init,gayundin ang masama, naglalaho sa daigdig.
20 Kahit ang kanyang ina sa kanya'y nakakalimot;parang punong nabuwal, inuuod at nabubulok.
21 Pagkat inapi niya ang babaing di nagkaanak,at ang mga biyuda ay kanyang hinamak.
22 Winawasak ng Diyos ang buhay ng malalakas;kapag siya ay kumilos, ang masama'y nagwawakas.
23 Hayaan man ng Diyos na mabuhay ito nang tiwasay,sa bawat sandali, siya'y nagbabantay.