2 “Binabago ng mga tao ang hangganan ng mga lupa,nagnanakaw ng mga hayop na iba ang nag-alaga.
3 Tinatangay nila ang asno ng mga ulila,kinakamkam sa mga biyuda ang bakang isinangla.
4 Ang mahirap ay itinataboy sa lansangan;at dahil sa takot, naghahanap ito ng taguan.
5 “Kaya ang dukha, tulad ay asnong mailap,hinahalughog ang gubat,mapakain lang ang anak.
6 Gumagapas sila sa bukid na hindi kanila,natirang ubas ng mga masasama pinupulot nila.
7 Kanilang katawan ay walang saplot;sa lamig ng gabi, wala man lamang kumot.
8 Nauulanan sila doon sa kabundukan;mga pagitan ng bato ang kanilang silungan.