4 Ang mahirap ay itinataboy sa lansangan;at dahil sa takot, naghahanap ito ng taguan.
5 “Kaya ang dukha, tulad ay asnong mailap,hinahalughog ang gubat,mapakain lang ang anak.
6 Gumagapas sila sa bukid na hindi kanila,natirang ubas ng mga masasama pinupulot nila.
7 Kanilang katawan ay walang saplot;sa lamig ng gabi, wala man lamang kumot.
8 Nauulanan sila doon sa kabundukan;mga pagitan ng bato ang kanilang silungan.
9 “Inaalipin ng masasama ang mga ulila;mga anak ng may utang, kanilang kinukuha.
10 Hubad na pinaglalakad ang mga mahirap,labis ang gutom habang sila'y pinapagapas.