7 Kanilang katawan ay walang saplot;sa lamig ng gabi, wala man lamang kumot.
8 Nauulanan sila doon sa kabundukan;mga pagitan ng bato ang kanilang silungan.
9 “Inaalipin ng masasama ang mga ulila;mga anak ng may utang, kanilang kinukuha.
10 Hubad na pinaglalakad ang mga mahirap,labis ang gutom habang sila'y pinapagapas.
11 Sila ang nagkakatas ng ubas at olibo,ngunit di man lamang makatikim ng alak at langis nito.
12 Mga naghihingalo at mga sugatan, sa loob ng lunsod ay nagdadaingan,ngunit di pa rin pansin ng Diyos ang kanilang panawagan.
13 “May mga taong nagtatakwil sa liwanag;di nila ito maunawaan, patnubay nito'y ayaw sundan.