1 Muling tumugon si Job,
2 “Isinusumpa ko sa Diyos na sa aki'y nagkait ng katarungan,sa Makapangyarihang Diyos na nagdulot sa akin ng kapaitan.
3-4 Habang mayroon akong hininga na Diyos ang nagbibigay,ang labi ko'y walang bibigkasing kasinungalingan,ang aking sasabihin ay pawang katotohanan.
5 Hindi ko matatanggap na kayo ang may katuwiran,igigiit hanggang kamatayan na ako'y walang kasalanan.
6 Hindi ko isusuko ang aking katuwiran,budhi ko'y malinis, di ako sinusumbatan.
7 “Parusahan nawa ang lahat ng sa aki'y lumalapastangan;ituring nawa silang lahat na makasalanan.