15 Ang matitirang buháy, sa salot mamamatay,ngunit kanilang mga biyuda, hindi sila tatangisan.
16 Kahit siya'y makaipon ng malaking kayamanano kaya'y magkaroon ng maraming kasuotan,
17 isa man sa mga iyon ay di niya papakinabangan,mapupunta sa matuwid ang lahat niyang kayamanan.
18 Sapot lamang ng gagamba ang katulad ng kanyang bahay,parang kubo lamang ng mga aliping bantay.
19 Matutulog ang mayaman ngunit hanggang doon na lang;pagmulat ng kanyang mata, ari-arian niya ay wala na.
20 Mga kasawian ay parang bahang darating,tatangayin ng ipu-ipo pagsapit ng dilim.
21 Matinding hanging silangan, sa kanya ay tatangay, tuluyan siyang mawawala at di na makikita.