7 “Parusahan nawa ang lahat ng sa aki'y lumalapastangan;ituring nawa silang lahat na makasalanan.
8 Ang makasalana'y mayroon pa bang pag-asa,kapag binawi na ng Diyos ang buhay na taglay niya?
9 Pagsapit ng kaguluhan, papakinggan kaya ng Diyos ang kanyang panawagan?
10 Ito kaya ay mananalig sa Makapangyarihanat sa lahat ng araw, Diyos ay tatawagan.
11 “Ang kalooban ng Diyos, sa inyo'y sasabihinat aking ihahayag ang nais niyang gawin.
12 Ang lahat ng ito'y inyo namang nalalaman,subalit ang salita ninyo'y pawang walang kabuluhan.”
13 Ang sagot ni Zofar:“Sa masama ay ganito ang inihanda ng Diyos,sa mararahas ay ito ang parusang ibubuhos: