1 “May lugar kung saan ang pilak ay mahuhukay,at may pook kung saan ang ginto'y dinadalisay.
2 Nahuhukay ng tao ang bakal mula sa lupa,at nilulusaw ang tanso mula sa batong nakuha.
3 Sinasaliksik ng tao ang pinakamalalim na kadiliman,ginagalugad pati ang kailalimanupang humukay ng batong yaman.
4 Humuhukay nang malalim sa ilang at kabundukanna hindi pa naaabot ng sinumang manlalakbay,nagmimina sila roon sa gitna ng kalungkutan.