17 Mahigit pa kaysa ginto ang timbang ng karunungan,mas mahal kaysa sa alahas o sa gintong kayamanan.
18 Mas mahalaga ang karunungan kaysa magandang koral,higit itong mamahalin kaysa perlas o sa kristal.
19 Kahit na ang topaz, dito'y di maipapantay,at hindi rin mahihigitan kahit ng gintong dalisay.
20 “Kung gayo'y saan nga nagmumula ang karunungan?At ang pang-unawa, saan kaya matututunan?
21 Hindi ito nakikita ng sinumang nilalang,mga ibong lumilipad, hindi rin ito natatanaw.
22 Kahit ang Pagkawasak at ang Kamatayanay nagsasabing ang narinig nila'y mga sabi-sabi lamang.
23 “Ngunit tanging ang Diyos lang ang siyang nakakaalamkung saan naroroon ang tunay na karunungan.