4 Humuhukay nang malalim sa ilang at kabundukanna hindi pa naaabot ng sinumang manlalakbay,nagmimina sila roon sa gitna ng kalungkutan.
5 Sa lupa tumutubo ang halamang kinakain,ngunit parang tinupok ng apoy ang nasa ilalim.
6 Nasa mga bato ang mga safiro,nasa alabok naman ang gintong puro.
7 Ang daang iyo'y di abot-tanaw ng lawin,kahit mga buwitre'y hindi ito napapansin.
8 Hindi pa ito nadadaanan ng hayop na mababangis,hindi pa nagagawi rito ang leong mabagsik.
9 “Hinuhukay ng mga tao ang batong matitigas,pati paanan ng mga bundok ay kanilang tinitibag.
10 Sa malalaking bato'y gumagawa sila ng lagusan,mamahaling hiyas ay kanilang natutuklasan.