5 Sa lupa tumutubo ang halamang kinakain,ngunit parang tinupok ng apoy ang nasa ilalim.
6 Nasa mga bato ang mga safiro,nasa alabok naman ang gintong puro.
7 Ang daang iyo'y di abot-tanaw ng lawin,kahit mga buwitre'y hindi ito napapansin.
8 Hindi pa ito nadadaanan ng hayop na mababangis,hindi pa nagagawi rito ang leong mabagsik.
9 “Hinuhukay ng mga tao ang batong matitigas,pati paanan ng mga bundok ay kanilang tinitibag.
10 Sa malalaking bato'y gumagawa sila ng lagusan,mamahaling hiyas ay kanilang natutuklasan.
11 Pinagmumulan ng ilog ay kanilang tinutunton,at dinadala sa liwanag anumang nakatago roon.