1 Muling nagsalita si Job,
2 “Kung maibabalik ko lang ang mga unang arawnoong ang Diyos sa akin ay palagi pang nagbabantay;
3 Nang ang liwanag niya sa akin ay gumagabay,sa paglakad ko sa dilim, siya ang aking tanglaw.
4 Noon, ako ay sagana, maluwag ang pamumuhay,kaibigang matalik ang Diyos na buháy, at sa buong pamilya ko, siya ang patnubay.
5 Noon ay malapit ang Makapangyarihang Diyos sa akin,at ang mga anak ko'y lagi sa aking piling.
6 Masagana ang gatas mula sa aking kawan,olibong nagbibigay ng langis, tumutubo kahit sa batuhan.