11 “Kapag ako'y nakita at kanilang narinig,sila'y sumasang-ayon at sa aki'y pumapanig.
12 Sapagkat tinulungan ko ang dukha sa kanilang pangangailangan,dinamayan ko ang mga ulilang wala nang mapuntahan.
13 Pinupuri ako ng mga dumanas ng kasawian,natulungang mga biyuda sa tuwa'y nag-aawitan.
14 At ang lagi kong adhikain, katarungan at katuwiran ay siyang pairalin.
15 Para sa mga bulag, ako'y nagsilbing mata;at sa mga pilay, ako ang kanilang paa.
16 Nagsilbi akong ama ng mga mahihirap,kahit di ko kilala ay aking nililingap.
17 Ang lakas ng masasama, aking sinisiraang kanilang mga bihag, sinikap kong mapalaya.