4 Noon, ako ay sagana, maluwag ang pamumuhay,kaibigang matalik ang Diyos na buháy, at sa buong pamilya ko, siya ang patnubay.
5 Noon ay malapit ang Makapangyarihang Diyos sa akin,at ang mga anak ko'y lagi sa aking piling.
6 Masagana ang gatas mula sa aking kawan,olibong nagbibigay ng langis, tumutubo kahit sa batuhan.
7 Kapag pumupunta ako noon sa mga kapulungan,at nauupong kasama ng mga pinuno ng bayan,
8 kapag ako'y natanaw, mga kabataa'y nagbibigay-daan,mga matatanda nama'y tumatayo at nagbibigay-galang.
9-10 Ihihinto ng pinuno, kanilang usapan,at mga maharlika'y tatahimik na lamang.
11 “Kapag ako'y nakita at kanilang narinig,sila'y sumasang-ayon at sa aki'y pumapanig.