1 “Ngayon ako'y kinukutya na ng mga kabataan,na mga anak ng mga taong di ko pinayaganna sumama sa mga asong nagbantay sa aking kawan.
2 Mga bisig nila ay hindi ko inasahan,walang gawaing kanilang nakayanan.
3 Sa gitna ng gutom at kasalatan,kanilang kinakain mga tuyong ugat sa ilang.
4 Nangunguha sila ng usbong ng halaman sa dawagan,at ugat ng mga tambo ang panlaman nila sa tiyan.
5 Ang mga taong ito'y itinakwil ng lipunan,at ang turing sa kanila'y mistulang mga tulisan.
6 Mga kuweba't mga kanal ang kanilang tinitirhan,ang iba nama'y sa lungga, at ang iba'y sa batuhan.