12 Sinalakay nila ako nang walang pakundangan,hinahabol nila ako upang tapusin nang tuluyan.
13 Pilit akong sinusukol upang ako'y pahirapan,sa ginagawa nila'y wala man lang humadlang.
14 Isang pader na may bitak ang katulad ng aking buhay,sinalakay nila ako at tinapak-tapakan.
15 Ang buo kong pagkatao ay nilukuban ng takot,dangal ko'y naglaho parang bulang pumutok,at ang aking kasaganaan, parang ulap na sumabog.
16 ‘Halos mapatid na ang aking hininga,hindi na maibsan ang hirap kong dala.
17 Sa buong magdamag, mga buto ko ay masakit,ginhawa'y di madama kahit isang saglit.
18 Hinablot ng Diyos ang aking kasuotan,at ako'y kaawa-awang kanyang kinwelyuhan.