14 Isang pader na may bitak ang katulad ng aking buhay,sinalakay nila ako at tinapak-tapakan.
15 Ang buo kong pagkatao ay nilukuban ng takot,dangal ko'y naglaho parang bulang pumutok,at ang aking kasaganaan, parang ulap na sumabog.
16 ‘Halos mapatid na ang aking hininga,hindi na maibsan ang hirap kong dala.
17 Sa buong magdamag, mga buto ko ay masakit,ginhawa'y di madama kahit isang saglit.
18 Hinablot ng Diyos ang aking kasuotan,at ako'y kaawa-awang kanyang kinwelyuhan.
19 Pagkatapos noon, ako'y kanyang inihagislumubog sa putik, parang isang yagit.
20 “Di mo pinakinggan, O Diyos, ang aking pagdaing,aking panalangin, hindi mo man lang pinansin.