20 “Di mo pinakinggan, O Diyos, ang aking pagdaing,aking panalangin, hindi mo man lang pinansin.
21 Bakit ako'y iyong pinagmamalupitan,at pinag-uusig ng iyong buong kapangyarihan?
22 Bakit hinayaang ang buhay kong angkin,bayuhin ng bagyo at malalakas na hangin?
23 Alam kong dadalhin mo ako sa kamatayan,na huling hantungan ng bawat nilalang.
24 Taong bumagsak, bakit mo pa pinahihirapan,wala naman siyang magagawa kundi magmakaawa lamang?
25 Di ba ako ay dumamay sa mga nangangailangan,at nagmalasakit din sa mahirap ang kabuhayan?
26 Tuwa at liwanag ang aking inaasahan;subalit ang dumating ay hirap at kadiliman.