4 Nangunguha sila ng usbong ng halaman sa dawagan,at ugat ng mga tambo ang panlaman nila sa tiyan.
5 Ang mga taong ito'y itinakwil ng lipunan,at ang turing sa kanila'y mistulang mga tulisan.
6 Mga kuweba't mga kanal ang kanilang tinitirhan,ang iba nama'y sa lungga, at ang iba'y sa batuhan.
7 Ungol nila'y naririnig mula roon sa dawagan,sila'y nagyayakap-yakap sa gitna ng katinikan.
8 Sila'y parang mga yagit na walang kabuluhanpagkat mula sa lupain, sila'y ipinagtatabuyan.
9 “Ngayo'y ako naman ang kanilang pinagtatawanan,siyang laging binibiro at pinag-uusapan.
10 Kinukutya nila ako at kanilang iniiwasan,at di nag-aatubiling ako'y kanilang duraan.