22 mabuti pang mga bisig ko ay baliin,at sa aking balikat ito ay tanggalin.
23 Sapagkat sa parusa ng Diyos ako'y natatakot,hindi ko kayang gawin ang gayong gawaing baluktot.
24 “Kung ako ay umasa sa aking kayamanan,at gintong dalisay ang pinanaligan;
25 kung dahil sa tinatangkilik, ako ay nagyabang,o nagpalalo dahil sa aking kayamanan;
26 kung ang araw at ang buwan ay aking sinamba;
27 kung ako'y natangay kahit na lihim lamang,o nagpugay kaya sa sarili kong kamay;
28 ako nga'y nagkasala at dapat hatulan,pagkat itinakwil ko ang Diyos na Makapangyarihan.