24 “Kung ako ay umasa sa aking kayamanan,at gintong dalisay ang pinanaligan;
25 kung dahil sa tinatangkilik, ako ay nagyabang,o nagpalalo dahil sa aking kayamanan;
26 kung ang araw at ang buwan ay aking sinamba;
27 kung ako'y natangay kahit na lihim lamang,o nagpugay kaya sa sarili kong kamay;
28 ako nga'y nagkasala at dapat hatulan,pagkat itinakwil ko ang Diyos na Makapangyarihan.
29 “Pagdurusa ng kaaway, hindi ko ikinatuwa,ni sa kanilang kapahamakan ako ay nagsaya;
30 kahit minsa'y di ko idinalangin na sila'y mamatay.