3 Ibinibigay niya'y kapahamakan at pagkasira,sa mga taong gumagawa ng mali at masama.
4 Lahat ng ginagawa ko'y kanyang nalalaman,kitang-kita niya ang aking bawat hakbang.
5 “Pagsisinungaling ay hindi ko ginawa,kahit isang tao'y wala akong dinaya.
6 Timbangin sana ako ng Diyos sa maayos na timbangan,at makikita niya itong aking katapatan.
7 Kung ako'y lumihis sa landas ng katuwiran,o kaya'y naakit gumawa ng kalikuan,kahit na bahagya'y natukso ng kasamaan,
8 masira nawa ang aking pananim,at ang mga halaman ko'y iba na ang kumain.
9 “Kung ako ay naakit sa asawa ng iba,sa pintuan ng kanyang bahay ay inabangan ko siya,