36 Ito'y aking ikukwintasat isusuot na parang korona.
37 Sasabihin ko sa Diyos ang lahat ng aking ginawa,sa paglapit sa kanya'y wala akong dapat ikahiya.
38 “Kung ang lupa kong binubungkal ay inagaw sa iba,sa pagtutol ng may-ari'y sapilitan kong kinuha.
39 O kung sa ani nito ako'y nagpasasa,samantalang nagugutom ang dito'y nagsaka.
40 Kung gayon ay bayaang damo't tinik ang tumubo,sa halip na sebada o trigo ang doo'y lumago.”Dito nagwawakas ang pagsasalita ni Job.