15 “Job, hindi sila makakibo at wala nang masabi,
16 sila ay natitigilan, hindi na makapagsalita,mananatili ba akong naghihintay sa wala?
17 Hindi! Sasagutin kong lahat ang iyong binanggit,sasabihin ko sa iyo ang aking iniisip.
18 Di na ako makapaghintay na magsalita,di ko na mapipigilan ang aking mga kataga.
19 Kapag ang nasa loob ko ay hindi naibulalas,ang dibdib ko ay puputok, laman nito'y sasambulat.
20 Hindi na nga maaari na ako ay maghintay pa,di na ako makatiis kaya ako'y nangusap na.
21 Sa inyong usapan ay wala akong papanigan,ang sinuman sa inyo'y hindi ko papupurihan.