4 Pinakabata si Elihu sa mga naroon kaya hinintay niyang makapagsalita muna ang lahat.
5-6 Nang wala nang maisagot ang tatlo, nagalit ito at sinabi,“Bata ako at kayo'y matatanda,kaya ako'y nag-aalangang magsalita.
7 Palagay ko'y nararapat na kayo muna ang magsalita,at mamahagi ng karunungan ang nakatatanda.
8 Ngunit ang karunungan ay saan ba nagbubuhat?Di ba sa Diyos na Makapangyarihan?
9 Ngunit hindi dahil matanda ay may pang-unawa,hindi dahil may edad na'y alam na ang tama.
10 Kaya makinig kayo ngayon sa aking sasabihin,itong aking opinyon, inyo namang dinggin.
11 “Matiyaga akong nakinig sa inyong pananalita,at habang naghahanap kayo ng mahuhusay na kataga.