25 Siya ay gagaling, muling sisigla; tataglayin muli ang lakas noong kabataan niya.
26 Mananalangin siya sa Diyos at siya'y papakinggan.Ang pagsamba niya'y mapupuno ng kasiyahan,muli siyang ilalagay ng Diyos sa mabuting katayuan.
27 Sasabihin niya sa madla, ‘Sa Diyos ako'y nagkasala,walang matuwid na nagawa subalit pinatawad niya.’
28 Hindi niya itinulot na ako'y mamatay,magpahanggang ngayon ako'y nabubuhay.
29 Hindi lang minsan na ito'y ginawa ng Diyos,
30 na iligtas ang tao sa kanyang pagkakalugmok,at ang buhay nito'y punuin ng lugod.
31 “Job, tumahimik ka at makinig nang mabuti,pakinggan mo't unawain itong aking sinasabi.