8 “Ito ang narinig kong sinabi mo:
9 ‘Ako'y malinis at walang nagawang kasalanan,ako'y walang sala at walang kasamaan.
10 Gumagawa lamang ang Diyos ng dahilan upang ako'y parusahan,at itinuturing niya akong isang kaaway.
11 Mga paa ko ay kanyang iginapos,at binabantayan ang aking mga kilos.’
12 “Ngunit ang sagot ko nama'y nagkakamali ka, Job,sapagkat sa sinumang tao ay mas dakila ang Diyos.
13 Bakit ang Diyos ay iyong pinagbibintanganna di marunong makinig sa iyong karaingan?
14 Magsalita man siya sa iba't ibang paraan,hindi pa rin natin ito lubos na mauunawaan.