4 Ika'y aking sasagutin sa sinabi mong ito.Sasagutin kita, pati mga kaibigan mo.
5 “Tumingala ka sa langit at igala ang paningin, masdan mo ang mataas na ulap sa papawirin.
6 Di napipinsala ang Diyos sa mga kasalanan mo,walang magagawa sa kanya gaano man karami ito.
7 Wala kang naitulong sa kanya sa iyong pagiging matuwid,wala kang naibigay kahit bagay na maliit.
8 Kung nagkakasala ka'y kapwa mo ang nagdurusa,sa paggawa ng mabuti'y natutulungan mo sila.
9 “Kapag ang mga tao'y inaapi, sila ay dumaraing,sila'y nagmamakaawa upang ang tulong ay kamtin.
10 Ngunit hindi naman sila lumalapit sa Diyos,na nagbibigay ng pag-asa kung dinaranas ay lungkot.