1 Idinagdag pa ni Elihu,
2 “Magtiyaga ka pa nang kaunti at makinig sa akin,pagkat ayon sa Diyos itong aking sasabihin.
3 Ibubuhos kong lahat ang aking nalalamanupang patunayang ang aking Diyos ay makatarungan.
4 Lahat ng sasabihin ko ay pawang katotohanan,pagkat akong kausap mo'y malawak ang kaalaman.
5 “Ang Diyos ay dakila at di nagtatakwil ng sinuman,siya ay dakila sa taglay niyang kaalaman.