17 Ngunit ngayon, ikaw ay pinaparusahan bilang katumbas ng iyong kasamaan.
18 Huwag mong pabayaang suhulan ka ng sinuman,mag-ingat upang di mailigaw ng mga kayamanan.
19 Dumaing ka man nang dumaing ay wala nang mangyayari,ang taglay mong lakas ngayon ay wala na ring silbi.
20 Huwag mong naising ang gabi'y dumating na,ang oras na ang mga bansa ay mawawala na.
21 Huwag mong isipin ang magpakasama,ito ang dahilan kaya ika'y nagdurusa.
22 “Alalahanin mong ang Diyos ay makapangyarihan,pinakadakilang guro sa lahat ng bagay.
23 Walang makakapagsabi sa Diyos ng dapat niyang gampanan,at walang kasamaang maaaring ibintang.