27 “Ang tubig sa lupa'y itinataas ng Diyos,upang gawing ulan at sa daigdig ay ibuhos.
28 Ang mga ulap ay ginagawa niyang ulan,at masaganang ibinubuhos sa sangkatauhan.
29 Sa galaw ng mga ulap ay walang nakakaalam,at kung paano kumukulog sa kalangitan.
30 Pinagliliwanag niya ang kalawakan sa pagguhit ng kidlat,ngunit nananatiling madilim ang kailaliman ng dagat.
31 Pinapamahalaan niya ang tao sa ganitong paraan,at masaganang pagkain, tayo'y hindi pinagkaitan.
32 Ang kidlat ay kanyang hinahawakan,at pinababagsak sa nais niyang matamaan.
33 Ipinapahayag ng kidlat ang kanyang kalooban,at ang kanyang galit laban sa kasamaan.