5 “Ang Diyos ay dakila at di nagtatakwil ng sinuman,siya ay dakila sa taglay niyang kaalaman.
6 Hindi niya pinatatagal ang buhay ng mga makasalanan,ang mga mahihirap ay binibigyan niya ng katarungan.
7 Ang matuwid ay kanyang iniingatan,ginagawang parang hari,at binibigyang-karangalan sa lahat ng sandali.
8 Kung ang tao'y nagagapos o natatanikalaano kaya'y nagdurusa sa nagawang kasalanan,
9 ipinamumukha ng Diyos ang kanilang kasamaan,at ang naghaharing hambog na isipan.
10 Sila'y kanyang sinasaway at binabalaanna tumalikod sa kanilang kasamaan.
11 Kung sila ay makinig at sa Diyos ay maglingkod,buhay na sagana at payapa, sa kanila'y idudulot.