10 Sa hininga ng Diyos nabubuo itong tubig,nagiging yelong matigas at napakalamig.
11 Pinabibigat niya itong mga ulap, mula rito'y pinaguguhit ang mga kidlat.
12 Ito'y bilang pagsunod sa utos ng ating Diyos,sumusunod kahit saang panig nitong sansinukob.
13 Ang ulang ibinubuhos ng dakilang Diyos,maaaring parusa o kagandahang-loob.
14 “Tumigil ka sandali, Job, at iyong isipin,ang mga gawa ng Diyos na walang kahambing.
15 Alam mo ba kung paano niya inuutusan,na maglabasan ang kidlat sa kalangitan?
16 Alam mo ba kung bakit ang ulap ay lumulutang?Iyan ay gawa ng makapangyarihan niyang kamay. Tunay at ganap ang kanyang kaalaman.